Ethereal thoughts in an Ephemeral existence
<

Minsan tinanong ko po Kayo kung mahal mo pa ako.. paano kasi bigla tumahimik ang buhay ko, wala na yung mga pagsubok na sinasabi Mo po. Sinagot Mo po ako, bago matapos ang pagsamba, tumingin sa akin ang ministro, at nagwika … “Kapatid, tinanong mo kung mahal ka ng Ama, mahal na mahal ka Nya, katunayan ay hinirang ka Nya at nananatili ka”. Umuwi po akong magang-maga ang mga mata.Di pumapatlang ang pagluha sa saya…paano..sino po ba ako para mahalin Nyo. Isang kaluluwang hamak at maraming kahinaan.

 

Mula po noon sa Iyo na umikot ang buhay ko. Anumang ibigay Mo po o ipahintulot Mong mangyari ay itinuring kong biyaya. May Myasthenia man ako at unti-unting humihina ang katawang laman, sya naman pag lakas ng aking pag-asa at pananampalataya sa Iyo. Dumating ang kahirapan at krisis dito sa Amerika pero lalo Mo naman akong pinagpapala at pinasasagana. Ni minsan di Mo ako pinabayaang magkulang. Mag isa man ako dito, malayo sa pamilya at kamag-anak di Mo hinahayaan kainin ng lungkot ang puso ko. Lagi Mong hangad na maging masaya, payapa at ligtas ako.

Dumanas ako ng kahirapan o kaginhawaan ang antas na kasiyahan ay pareho lang. Matulog sa sahig sa isang mainit na kwarto o sa kutson sa isang 5 star vacation homes ang himbing na tulog ko ay pareho lang, Malipasan ng gutom o maimpatso sa kabusugan  . Mag-enjoy sa tuyo o magdildil sa T Bone steak. Makipag siksikan sa jeep o mag karoon ng sariling Mercedes Maybach. Ang saya ko sa Enchanted Kingdom at Magic Kingdom ng Disney pareho din lang. Bakit nga ba???? Dahil sa ang tunay na kasiyahan ko ay makitang ang lahat ng ito ay kaloob Mo. Maaaring ang pakiramdam na umiyak o tumawa man ako, hirap o maginhawa man ako ay alam kong nanatiling malapit Ka po sa akin.

 

Sana ganito Ka rin kalapit sa ibang tao, siguro natapos na din ang mga alalahanin nila, siguro payapa na ang lahat, siguro wala ng giyera, hirap at gulo sa mundo. Sinubukan Mong ilapit ang katwiran Mo sa kanila pero pinili nilang unahin ang mga bagay sa buhay na ito…..SAYANG.. kung alam lang nila. Kung gaano kasarap mabuhay na kasama Ka. Humingi sila sa iyo ng mga bagay at relasyon sa buhay na ito para sa kanilang ikasisiya at ikagiginhawa. Dahil mapagmahal Ka ibinigay mo ang kanilang bawat naisin. Ngayon takot silang bitiwan ang mga bagay na ibinigay mo, nalimutan na nilang humawak sa Iyo.. puno na kasi ang mga kamay nila. Takot na silang mawalan, maagawan. Pati kamatayan kinatakutan.. dahil ayaw nilang maiwan, ayaw din nilang iwanan ang mga bagay at mga taong ibinigay Mo. Pero ipinagpauna Mo na .. na lahat ng bagay ay pansamantala.. wala naman talaga silang madadala.. lahat ay maiiwan , relasyon ay malalagot at kung paano nabuhay ang tao kalaunan ay nalilimot.

Ang tanging mababaon ng tao hanggang sa kabilang buhay ay ang kaugnayan niya sa Iyo. Sana maisip ng marami na Ikaw lang naman po talaga ang mahalaga, lahat ng bagay ay pumapangalawa lamang. Sana hanapin ka din nila.. yung totohanan…taimtim… walang ibang personal na dahilan liban sa hangad na lubos kang mapaglingkuran at maluwalhati ang Iyong pangalan. Kaya mo lang naman po kami nilalang ay para sa ganun kaukulan..ang lumuwalhati sa Iyo,, ngunit ang tao ibang bagay ang nais pag aksayahan ng panahon, pinahihirapan ang sarili, na hindi naman talaga dapat maging kumplikado at mahirap ang buhay sa mundo..Kung marunong lang sanang sumunod sa Iyo..Sayang…

April 22nd, 2009 at 3:35 am